Catholic education, pagtitibayin ng Catholic School Standard


Ipinatupad ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP kung saan miyembro and St. Bridget College ang Philippine Catholic School Standard na magiging pamantayan ng mga pribadong Katolikong paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Ayon kay Bishop Roberto Mallari, CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education chairman, malaki ang maitutulong ng “Catholic School Standard” upang matukoy ang katayuan ng mga paaralan at magkaroon ng nagkakaisang pagkakakilanlan batay sa katangian ng Simbahang Katolika na banal, iisa, panlahat at apostolika. “Napakahalagang magkaisa ang bawat administrator ng mga katolikong paaralan para sa pagpapaunlad ng kamalayan ng mga kabataan.”, dagdag ng obispo.

Matatandaan na sa katatapos lamang na ika-75 anibersaryo at National Convention ng CEAP na ginanap sa Waterfront Hotel, Cebu City ay naihalal bilang bagong pangulo ng organisasyon si Ateneo de Davao president Rev. Fr. Joel Tabora, SJ.

– Juaquin Andre Pineda