Care for Creation

  • Lupa ka mang aking binabalewala
    Hatid mo sa akiy pagpapala…
    Saksi ka sa mga paghakbang, pagtakbo at pagkadapa.
    Pinawi aking uhaw, pagkagutom at pagkabahala
    Patawad sa di ko pag-aalaga at sa maraming beses na pagbabalewala…
    Sa iyo ay pangako ang patuloy na pagdama at pagpahalaga sa init at lamig na iyong dala…
    Pangangalaga sa iyo ay aking gagawin,
    Pagbubungkal ay patuloy na pagyayamanin,
    Kalinisan ay pananatilihin.
    At ang iyong pagpapala ay pasasalamatan din.
    Kaibigan kitang ituturing,
    Kasama mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan,
    Kaibigan kita hanggang sa libingan.

    Socorro Lalap
    Ecological Spirituality Recollection
    February 23, 2019

  • Home Care for Creation Care for Creation